SA harap ng press people, inamin ni Bea Binene na in-award (pinagalitan) siya ni Direk Laurice Guillen sa taping ng pinagbibidahan niyang Afternoon Prime na Hanggang Makita Kang Muli.

Derrick and Bea 2

Mahirap ng role niya bilang feral child na kikilos at mag-aasal-aso, hindi siya handa, kaya nagduda siya sa kakayahan niya.

“Nang una kong mabasa ang script, noon ko lang nalaman, may ganitong feral child at sinabi sa akin na may workshop. Nagdalawang-isip ako at tinanong ko ang aking sarili ng ‘am I capable in doing this role?’ Ang laki ng requirement, like may eksena ako na parang walang suot. Hindi ako confident at sa workshop pa lang kay Ana Feleo, ang hirap talaga. After a few taping na-award na ako ni Direk Laurice,” kuwento ni Bea.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Binalak ni Bea na mag-backout sa proyekto, pero napaliwanagan at itinuloy pa rin ang family drama and in fairness, mahusay siya sa kanyang mga eksena sa ipinalabas na trailer.

Bilang paghahanda sa pinakamahirap niyang role sa ngayon, nag-gym si Bea, nag-crossfit at kung anu-ano pang workout. Nang makita ang reaction ng press people sa trailer, ang feeling ni Bea, worth it ang hirap niya sa taping at ang matagal na paghihintay na muling magkaroon ng regular soap.

Samantala, nakiusap si Bea na ‘wag na siyang tanungin tungkol sa bagong girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Jake Vargas na si Cella Mendoza.

“Matagal na kaming tapos, mag-move on na tayo. Ayoko nang ma-associate sa kanya at baka iba ang maging dating sa fans niya at sa mga tao sa likod nila. I’m happy for him,” ang maikling pahayag ni Bea.

Anyway, sa March 7, na ang pilot ng Hanggang Makita Kang Muli  na ikagugulat ng viewers ang tema.