GERONA, Tarlac - Umatake na naman ang hinihinalang Bolt Cutter gang at pinuntirya kamakailan ang Gerona North Central Elementary School sa Poblacion 3 sa bayang ito.

Nakatangay ang mga kawatan ng isang Acer projector, na nagkakahalaga ng P18,000, at pag-aari ng gurong si Hercules Valenzuela, 31 anyos. Ninakaw din ang isang wall fan, na aabot sa P1,200 ang halaga, at iba pang gamit sa paaralan.

Ang nakawan ay nadiskubre ng mga gurong sina Valenzuela Rancap at Nelia Rancap, 58, matapos nilang matuklasan na nawawala ang mga kandadado sa pintuan ng kani-kanilang classroom. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae