HANOI (AFP) – Natagpuan ang tatlong bangkay ng British tourist na palutang-lutang sa ilalim ng rumaragasang waterfall sa Vietnam.

Narekober nitong Biyernes ang bangkay ng dalawang babae at isang lalaki sa tulong ng aid workers na sinuong ang waterfalls na matatagpuan sa labas ng Dalat, isang lungsod sa Vietnam.

Kilala ang Datanla falls sa mga mahihilig maglakbay, at may tsansa rin ang mga turista na humakbang sa naglalakihang bato at maglibot sa mala-gubat na lugar.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo