MAPAPANSING mahilig mag-ayos si Pamel Anderson, ngunit hindi niya ito ginagastusan ng malaki.

Hindi lang ang pagmi-make up ang mag-isang ginagawa ng Baywatch star sa kanyang sarili, kundi maging ang pagkukulay ng buhok na naging trademark na rin niya.

“I dye my hair myself! I couldn’t imagine sitting in a hair salon for hours,” pahayag ni Anderson sa People. 

Isiniwalat ni Pamela na tinuruan siya ng kanyang mommy noong siya ay “about 20 years old” matapos ang isang eksperimento.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

“Sometimes we still do it together,” aniya. “Normally, I’m just walking around at home with a little makeup on from the night before, coloring my hair and making pancakes for my boys.” 

May puting buhok na kaya siya? Inamin ni Pamela na niya alam at hindi siya titigil sa pagkukulay ng buhok para lang malaman.

“It showed me that I wasn’t just about my hair. I liked it at the time, and I’m glad I did it, but personally I’m most comfortable with my long, blond hair,” ani Pamela. (The Insider)