Limang hinihinalang terorista ang napatay habang isang tao naman ang nasugatan sa pakikipagbakbakan ng mga bandido sa militar sa Barangay Poblacion sa Butig, Lanao del Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa report ni Col. Roseller Murillo, commanding officer ng 103rd Brigade ng Philippine Army, ang mga napatay ay hinihinalang kaanib ng foreign and local terrorist organization (FLTO).

Ayon kay Murillo, tinakot ng mga terorista ang patrol base ng Charlie Company ng 51st IB at 2nd Platoon ng 5th Mechanized Infantry Battalion ng Army nitong Sabado. (Fer Taboy)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae