May 22, 2026

Home BALITA National

Matapos sabihing 'di siya tatakbo sa 2028: De Lima, umaasang magbabago isip ni Mayor Leni

Matapos sabihing 'di siya tatakbo sa 2028: De Lima, umaasang magbabago isip ni Mayor Leni
Photo courtesy: Leila de Lima/FB, Mayor Leni Robredo/FB


Nagbabaka-sakali si Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila de Lima na magbabago pa ang desisyon ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo sa kaniyang plano para sa taong 2028.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Mayor Leni na siya raw ay hindi na tatakbo para sa national post sa darating na national elections sa 2028.

“Sigurado na ako sa sarili ko na hindi ako magna-national,” saad ni Mayor Leni sa isang panayam sa isang local radio station noong Martes, Abril 21.

MAKI-BALITA: Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028

Ngunit ayon kay De Lima, nauunawaan niya ang desisyon ng alkalde.

“We fully understand what VP/Mayor Leni wants to accomplish for Naga and our fellow Bicolanos,” saad ni De Lima sa kaniyang Facebook post noong Martes, Abril 21.

Aniya, “Pero tulad ng marami sa atin, including myself, umaasa talaga tayo na magbabago pa sya ng isip because for us, she’s still the most winnable among the possible opposition candidates.”

Anang kongresista, buo ang kanilang tiwalang handa si Robredo na tumulong kung siya ay kakailanganin ng bansa.

“In the end, we leave it to VP/Mayor Leni. We trust her wisdom. Buo ang tiwala natin na nandyan lang sya palagi, handang tumugon sa tawag ng tungkulin para sa Naga at sa buong bansa,” anang kongresista.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Sen. Kiko Pangilinan na nirerespeto niya ang desisyon ni Robredo; ngunit iginiit niyang ito pa rin ang pinakamalakas na pambato sa 2028 presidential elections.

“We respect her decision even as we disagree with it. Today, given her rising poll numbers, I believe that Leni is in the best position to build the broadest and strongest unity not just amongst the ranks of the Liberal Party and our allies but to include all other groups and personalities outside our allied forces who are also looking to participating in the 2028 Presidential elections," ani Sen. Kiko sa kaniyang Facebook post noong Martes, Abril 21.

MAKI-BALITA: Sen. Kiko, nirerespeto desisyon ni Mayor Leni pero pinakamalakas na pambato pa rin sa 2028!