IISINAPULBIKO na ni Kim Kardashian ang unang litrato ng kanyang tatlong buwang gulang na anak na si Saint West nitong Lunes, Pebrero 22.

Makikita sa litrato na inilabas sa Instagram at sa kanyang personal website, na himbing na himbing sa pagtulog ang kanyang anak.

Nakasuot ito ng puting onesie habang natutulog na nakaunat ang mga braso.

Sa kanyang personal website, mababasa ang mga katagang, “Today is my dad’s birthday. I know there’s nothing more in the world he would have wanted than to meet his grandchildren. So I wanted to share this pic of Saint with you all.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinanganak ng 35 taong gulang na si Kim si Saint West noong Disyembre 5, 2015. Si Saint ang ikalawang anak nila ng kanyang 38 gulang na asawang si Kanye West. Magtatatlong taong gulang na ang kanilang panganay na si North West sa Hunyo. Ikinasal sina Kim at Kanye noong 2014.