Naitala ni rookie Carlos Joseph ang game-winning goal para sandigan ang De La Salle kontra reigning champion Far Eastern University, 2-1, nitong Linggo sa UAAP Season 78 men’s football tournament sa McKinley Hill Stadium.

Naisalpak ni Joseph ang bentahe para sa Archers footballer sa ika-87 minuto ng laro.

Isang penalty kick ni Greggy Yang ang nagbigay ng 1-0 lead sa Green Archers sa ika-33 minuto bago naipasok ng FEU ang equalizer, dalawang minuto makalipas sa pamamagitan ni rookie Rico Andes na umiskor ng kanyang ikaapat na goal ngayong season.

Dahil sa panalo, inangkin ng hindi pa natatalong De La Salle ang provisional lead sa natipon nilang 10 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanatili namang may limang puntos ang FEU kapantay ng University of Santo Tomas sa ikatlong puwesto kasunod ang National University na may 7 puntos.

Nauna rito, nakopo ng Ateneo ang una nilang 3 puntos matapos gapiin ang Adamson Universit, 4-0. (Marivic Awitan)