Miguel Tabuena [Asiantour.com]
Miguel Tabuena [Asiantour.com]

KUALA LUMPUR – Naitala ni Pinoy golfer Miguel Tabuena ang matikas na two-under-par 69 nitong Sabado para manatiling nasa kontensyon sa US$500,000 (P22.5M) Maybank Championship sa Royal Selangor Golf Club.

Kumana ang 21-anyos at reigning Philippine Open champion ng tatlong birdies sa unang anim na hole para makalapit sa limang puntos na bentahe ng bagong lider na si Soomin Lee ng Korea patungo sa final round.

Tangan niya ang 10-under 203 matapos ang tatlong round para sa sosyon ikaapat na puwesto sa torneo na sanctioned ng Asian Tour at European Tour.

‘Kyle Negrito is the Key?’ Creamline malapit na mag-grand slam

Umiskor si Lee ng 64 para sa kabuuang 198, tatlong shot ang bentahe kay Marcus Fraser ng Australia (66). Nasa ikatlong puwesto ang isa pang Australian na si Nathan Holman (73).

“I got off to a good start, I was two under after two. But I didn’t like how I finished the round. I finished weak and that’s not how you win tournaments. You have to come out clutch and make birdies in the last few holes. Hopefully I will do that tomorrow,” pahayag ni Tabuena sa Asian Tour’s official website.

“I’m still satisfied with my position. I’m still in position to win and that’s where you want to be. Hopefully I can get off to a good start tomorrow and keep it going,” aniya.

Tuluyan namang bumigay ang kampanya ng iba pang Pinoy campaigner na sina Tony Lascuna na nasa sosyong ika-44 (211) matapos umiskor ng 70, habang nasa ika-50 si Angelo Que na may 212 sa natipang 73.