Timothy Guy
Timothy Guy

Ni Marivic Awitan

LEGAZPI CITY— Nakasingit si Timothy Guy ng Attaque Team Gusto ng Taiwan sa final stage 4, ngunit hindi nito napigilan ang pagsungkit ni Oleg Zemlyakov ng Kazakhstan mula sa Team Vino-4 Ever SKO sa kampeonato sa pagtatapos ng 7th Le Tour de Filipinas sa malaparaisong lungsod sa lalawigan ng Bicol.

Mula sa lead group sa kaagahang ng karera, rumatsada ang 25-anyos na si Guy papasok sa huling 5 kilometro para makumpleto ang biyahe sa distansiyang 160.2 kilometro sa tatlong oras, 52 minuto at 50 segundo at kunin ang stage victory sa torneo na inorganisa ng UBE Media, sa pakikipagtulungan ng Petron, MVP Sports Foundation, Smart, Cargohaus, NMM, UFL, Philippine Air Lines, Collab Printing Solutions, Automation, Orange fix at Phenom.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Kinumpleto ni Cameron Bayly ang 1-2 finish ng Team sa pagbuntot nito may siyam na segundo ang layo, habang pangatlo si Jae Jang Sun ng LX-188 Cycling Team ng South Korea sa tiyempong 3:52.59.

Sa overall classification, hindi bumigay si Zemlyakov na humakot ng kabuuang oras na 17:36.23, kasunod ang kababayang si Yevgeny Gidich na may 17:36.42. Ang 19-anyos na si Gidich ang tinanghal ding “Best Young Rider”.

Naungusan naman ni Terrengganu Cycling Team rider na si Batmunkh Maral-Erdene sa ikatlong puwesto si Ewart matapos makatipon ng kabuuang oras na 17:36.44.

Bumaba sa ikaapat na pwesto si Ewart (17:36.45), kasunod si Marcelo Felipe na umangat sa ikalima(17:37.45), habang ika-anim si Ryu Suzuki ng Bridgestone Anchor Cycling Team ng Japan(17:37.48). Nasa Ikapitong puwesto si Salvador Tora Guardiola ng Team Ukyo (17:37.48), kasunod si Kenji Itami ng Kinan Cycling Team na may identical clocking gaya nina Itami at Guardiola , pang ikasiyam si Lim na kumatawan sa Philippine Team(17:38.27) at ika-10 si Suryadi Dadi ng Terrenganu (17:38.20).

Napanatili rin ng Vino 4-Ever SKO ang overall team classification matapos makatipon ng kabuuang oras na 52:53.02, habang pumangalawa ang Seven Eleven na may 52:58.18 at pangatlo ang Terrengganu na naorasan ng 52:59.00.

Kapwa naman naagaw kay Zemlyakov ang Sprint at King of the Mountain title.

Napunta kay Stage 3 winner Wesley Sulzberger ng Kinan ang Sprint sa na natipong 16 na puntos habang nakamit ni Team Cebu Kopiko skipper Ronnel Hualda ang KOM makaraang umani ng 19 na puntos.