TARLAC CITY – Dumulog sa pulisya ang isang dalagita upang ireklamo ang foreman na umano’y humalay sa kanya sa Block 7, Barangay San Manuel, Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police Officer-in-Charge Supt. Bayani Razalan, halos matulala ang 15-anyos na biktima sa panggagahasa umano sa kanya ni Vicente Banaag, 45, ng Bgy. Aguinaldo, Sta. Rosa, Nueva Ecija, na pinaghahanap pa ng pulisya.

Sa imbestigasyon ni PO1 Waynor Alarma, nagtungo ang dalagita sa bahay ng mag-asawang Joel at Alma Conde, na roon ay nakikipag-inuman ang suspek kay Joel.

Makalipas ang ilang oras, umalis ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak at sinamantala ito ni Banaag.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

(Leandro Alborote)