Lipa City — Patay ang isang 17-anyos na lalaki habang naospital ang kanyang ina, makaraang masunog ang kanilang bahay sa Lipa City, kahapon ng madaling araw.

Natagpuan sa ilalim ng hagdanan ang sunog na katawan ni Cee Jay Albert Cueto, habang isinugod sa Ospital ng Lipa ang kanyang inang si Jane Cueto, 43, dahil sa mga sugat at paso sa katawan.

Sa report ng grupo ni PO3 Edwin Navarro, dakong 11:50 ng gabi nitong Miyerkules nang magsimula ang apoy sa bahay ng mga biktima at umabot hanggang sa bahay ni Maria Salud Cueto, 77, sa Barangay Bulacnin, ng lungsod.

Ayon kay Fire marshall Senior Inspector Von Ferdinand Nicasio, nagsimula ang sunog sa kawad ng kuryente sa bahay ng mga Cueto.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Kaagad rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Lipa City, Mataas na Kahoy, San Jose, at Malvar. Umabot ng mahigit dalawa at kalahating oras bago naapula ang apoy. (Lyka Manalo)