ISULAN, Sultan Kudarat - Pinangunahan ni Sultan Kudarat Police Provincial Office (SKPPO) official, Supt. Roel Rullan Sermese, ang pagkumpiska ng iba’t ibang baril at mga bala, bukod pa sa 70 sachet ng shabu at iba pang mga kontrabando sa sunud-sunod na operasyon ng pulisya sa mga bayan ng Lebak, Isulan, Lambayong, at Bagumbayan sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Sermese, bitbit ng mga search warrant ay 16 na katao rin ang nadakip ng pulisya kaugnay ng mga nasamsam na kontrabando.

Ang operasyon, ayon kay SKPPO OIC Director Senior Supt. Emmanuel Baloloy Peralta, ay magpapatuloy para matiyak na magiging payapa at maayos ang halalan sa lalawigan. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog