STO. TOMAS, Batangas - Halos naaagnas na ang bangkay ng isang 10 taong gulang na lalaki nang matagpuan nitong Martes sa isang abandonadong apartment sa Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa report ni PO3 Joel Basas, nakilala ang biktimang si John Noel Legarda, Grade IV student, at residente ng Barangay San Roque sa naturang bayan.

Dakong 8:00 ng umaga nitong Martes, nagtatabas sa damuhan si Oliver Berguila, 35, sa ECO Green Apartment nang may maamoy na masangsang sa abandonadong unit sa nabanggit na barangay.

Natagpuan sa ikalawang palapag ng apartment ang bangkay ng bata na nakagapos ang mga kamay at paa, nababalot ng tela ang mukha, at may sugat sa ulo. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog