Mga laro bukas

(Moro Lorenzo Field)

1 n.h. -- DLSU vs UST (Men)

3 n.h – FEU vs NU (Men)

Nabokya ng National University at De La Salle ang kani- kanilang mga katunggali upang manatili sa ibabaw ng team standing ng UAAP Season 78 men’s football tournament kamakailan sa McKinley Hill Stadium sa Taguig.

Pacman, balik-bakbakan sa Abril para sa exhibition match!

Itinala ni Nico Macapal ang ikatlong goal ngayong season para pangunahan ang Bulldogs sa paggapi sa Adamson University, 2-0, habang pinadapa naman ng Green Archers ang University of the Philippines, 1-0.

Dahil sa panalo, parehas ang NU at La Salle na may 6 na puntos.Nakakaangat lamang ang Bulldogs dahil sa goal difference.

Sa iba pang laro, tinalo ng defending champion Far Eastern University ang Ateneo, 5-2, habang nagtapos ang salpukan ng University of Santo Tomas at University of the East sa goalless draw. (Marivic Awitan)