Taylor Fritz

MEMPHIS, Tennessee (AP) — Dinugtungan ni tennis teen phenom Taylor Fritz ang nahabing kasaysayan matapos dominahin ang beteranong si Ricardas Berankis ng Lithuania, 2-6, 6-3, 6-4, nitong Sabado (Linggo sa Manila), para makausad sa Memphis Open final at tanghaling pinakabatang American na nakaabot sa ATP finals mula nang magawa ni Michael Chang, may 27 taon na ang nakalilipas.

Nakamit na ng 18-anyos mula sa Rancho Sante Fe, California, ang marka nang makausad siya sa semifinal ng ATP event mula nang makamit ni Chang ang Wembley title noong 1989 sa edda na 17.

Sa Linggo (Lunes sa Manila), tatangkain ni Fritz na maging kampeon kontra sa magwawagi a laro sa pagitan nina three-time defending champion Kei Nishikori at 2010 Memphis champ Sam Querrey.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

"It's crazy what four tennis matches can achieve," pahayag ni Fritz.

Ito ang ikatlong ATP Tour event ni Fritz at sa kaganapan lubhang mabilis ang kanyang pagsirit, higit na mas mabilis sa tinakbo ng career nina tennis legend Pete Sampras, Jim Courier at Chang, na pawang nasungkit ang kauna-unahang semifinal match sa ikaapat na torneo ng ATP.

"That's something that doesn't happen very often," sambit ni Fritz. "I'm really excited that I just got to this level and I'm proving myself on it quickly and ... just proving to myself that I belong here."

Ginamit ng 6-foot-4 na Fritz, magdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan sa Oktubre 28, ang malalakas na service para makabawi matapos matalo sa unang set sa 25-anyos na si Berankis. Sa kabuuan ng torneo, naitala ni Fritz ang 30 aces.