Bangs Garcia

Ni JIMI ESCALA

IPINAGMAMALAKI ni Valerie “Bangs” Garcia, ang kanyang Pinoy-British fiance na si Lloydi Birchmore at siya mismo ang nagpahayag na plano nilang magpakasal sa susunod na taon, January, 2017. 

Sa panayam kay Bangs kamakailan, ikinuwento niya na willing ang kanyang boyfriend na tumira sa Pilipinas sakaling maikasal sila para makasama at makapagpatuloy pa rin siya sa kanyang career bilang artista. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“He’s a property developer, so he wants to build me a house here and in London, so we can go back and forth,” kuwento ni Bangs. 

Ang isa sa mga plano ng dalawa ay makapagpatayo ng isang art cafe.

“I love cooking and painting, so at the cafe, I can do both -- cooking and displaying my paintings at the same time,” masayang kuwento ng dalaga. 

Sa Boracay ang planong wedding nila on January 2017. Memorable daw kasi ang Boracay sa dalawa dahil doon sila unang nagkita at nagkakilala ni Lloydi. Sa Boracay din nag-propose si Lloydi kay Bangs.

“It’s going to be a beach wedding. He’s coming here on 1 March and will be talking to a wedding planner,” ani Bangs. 

Kasama sa kanyang inaayos ang wedding guests at kasama siyempre ang mga kapamilya ni Lloydi.

“I am so happy that I am marrying my best friend. It’s important in a relationship for you to be best friends with your partner at the same time,” pagtatapos ng aktres.