Wala nang magsusukli ng candy kapag naging ganap na batas ang “No Shortchanging Act” na isinulong ni Senator Bam Aquino. Naghihintay na lamang ito ng ratipikasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso bago ipadala sa Malacañang para sa lagda ng Pangulo.

“Sa panukala, obligado nang ilagay ang tamang presyo ng produkto sa price tag upang hindi sila malito o makulangan sa kanilang bayad,” paliwanag ni Sen. Bam, chairman ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.

Bawal na rin ang kulang o ‘di pagsusukli o pagbibigay ng candy o iba pang bagay bilang panukli.

May parusa itong P500 multa sa unang paglabag, tatlong buwang suspensiyon ng lisensiya at multang P15,000 sa ikalawang paglabag, at sa ikatlong paglabag ay kakanselahin ang lisensiya ng tindahan at pagmumultahin ng P25,000.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

(Leonel Abasola)