Pinaalalahanan ni Liberal Party senatorial candidate Leila de Lima si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi lubos ang kapangyraihan ng pangulo na inaasinta ng huli.

Ayon kay De Lime, nangangahulugan ito na hindi maaaring basta na lamang palayain ni Duterte si dating President Gloria Macapagal-Arroyo sakaling mahalal siyang pangulo ng bansa.

“First of all, the case is already in the court and this means that it is only the court which could decide on that matter,” diin ni de Lima.

Ito ang reaksyon ni De Lima sa pahayag ni Duterte na palalayain nito si Arroyo kapag siya ang nanalo sa halalan sa Mayo 9. (Aaron B. Recuenco)
Tsika at Intriga

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'