TAINAN, Taiwan (Reuters)— Nahila ng mga rescuer ang dalawa pang nakaligtas sa ilalim ng mga guho sa isang apartment block sa Taiwan kahapon mahigit 48 oras matapos itong gumuho dahil sa lindol, ngunit nagbabala ang mayor ng katimugang lungsod ng Tainan na posibleng lumagpas sa 100 ang namatay.

Tumaas na sa 38 ang opisyal na bilang ng mga namatay mula sa lindol, at mahigit 100 katao pa ang nawawala.

Tumama ang lindol dakong 4:00 ng umaga noong Sabado sa simula ng pagdiriwang ng Lunar New Year, at halos lahat ng namatay ay natagpuan sa gumuhong Wei-guan Golden Dragon Building sa Tainan.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo