Ni Marivic Awitan

Pormal na nakamit ng Far Eastern University-Diliman ang ikaanim na sunod na kampeonato matapos padapain ang Ateneo, 6-1 sa UAAP Season 78 juniors football championship kahapon sa Moro Lorenzo Field.

Bukod sa pag-ukit sa makasaysayang six-peat, nagawa rin ng Baby Tamaraws, sa pangunguna ni season MVP Kieth Absalon na tapusin ang season na walang talo sa loob ng pitong laro.

Sinimulan ni Christian Bacara ang scoring matapos maka-goal sa unang limang minuto bago sinundan ni Darryl Aban sa ika-12 minuto ng first period.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Nakaiwas na mabokya ang Blue Eaglets nang maka-goal si Miguel Roque sa ika-30 minuto bago naipasok ni Chester Gio Pabualan ang ikatlong goal para sa Baby Tamaraws’ walong minute ang nakalipas.

Hindi na nakaporma ang Blue Eaglets sa magkakasunod na pagpuntos nina Absalon (75th), John Villaseñor (85th) at Josh Abundo (89th).

Si Pabualan, nakapitong goal ngayong season, ang tinanghal na ‘Best Striker’ bukod pa sa pagiging ‘Best Midfielder’ habang nahirang namang ‘Rookie of the Year’ at ‘Best Defender’ ang kakampi niyang si Roberto Ripoll.

Nakihati naman sa individual honors si Gavin Rosario ng Ateneo na siyang tinanghal na ‘Best Goalkeeper’ at ang De La Salle-Zobel na ginawaran ng Fair Play Award.