Pinasinungalingan ni University of Santo Tomas Coach Bong de la Cruz ang mga negatibong isyu na ibinabato sa kanya at sa unibersidad na aniya’y produkto lamang ng ginagawa niyang paglilinis sa koponan batay sa kanilang bagong “basketball program”.

“Alam ko sa aking sarili na malinis ang aking konsensya subalit mas pipiliin ko na kung kinakailangan ay sa tamang lugar at sa tamang panahon ako magpapahayag hingil dito,” sambit ni De la Cruz sa opisyal na press statement na kanyang ipinamahagi kahapon sa media.

Sentro ng ‘cyber bullying’ sa social media si De la Cruz hinggil sa umanoy’ pagmamaltrato niya sa mga player ng UST, gayundin ang kanyang talamak na pagsusugal.

Ngunit, bago pa man madamay ang kanyang pamilya, nagdesisyon siyang sagutin ang ilang usapin.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Gayunman, pinili pa rin nitong huwag magkomento ng kahit na ano tungkol sa mga naunang naglabasang paratang sa kanya.

“Lubha kong ikinalulungkot ang mga nangyayaring kaganapan dahil bukod sa akin, ang aking pamilya ay lubha nang naaapektuhan sa nangyayari na trial by publicity, dahil alam nila kung paano ko ibinuhos ang aking panahon, oras at dedikasyon bilang head coach ng aming koponan,” pahayag ni Dela Cruz.

“Sa katunayan, bago mag-umpisa ang Season 78 ng UAAP Men’s Basketball Tournament ay walang naniniwala na ang aming koponan ay makakarating sa Final 4. Subalit bunga ng pagkakaisa ng buong team kasama ang coaching staff ay nakarating kami sa Championship higit pa sa inaasahan ng nakararami.”

“Umaasa din ako na sana ay hindi madamay pa ang aming unibersidad na ang tanging hangarin lamang ay ang kapakanan ng kanilang mag-aaral.”

“Umaasa ako na sana ay igalang ang aking desisyon,” aniya. (Marivic Awitan)