MAGING si Filipino journeyman Leonardo Doronio ay nalutong makaw sa kanyang laban kontra WBC No. 6 Nery Saguilan sa kanilang sagupaan para sa WBO 135 lbs. belt kamakailan a HotelIxtapa Azul sa Mexico City.
Sa kanyang ikalawang laban sa Mexico, muling nagpakitang gilas si Doronio na binugbog nang todo si Saguilan pero natalo nang paboran ng dalawa sa tatlong huradong Mexican ang kanilang kababayan.
Umiskor sina judges Leonel Morales at Rafael Ortiz Loyo ng kapwa 114-113 para kay Saguilan pero para kay judge Humberto Olivares ay nagwagi si Doronio sa iskor na 114-113.
Inaasahan ang dikit na iskor, ngunit pabor sana sa Pinoy dahil binawasan pa ng puntos ang Mexican ni referee Jose Guadalupe Garcia dahil sa madayang taktika sa ika-8 round ng kanilang 12-round fight.
Kamakailan, ganito rin ang sinapit ni Philippine top rated lightweight Dindo Sismundo nang matalo sa 10-round split decision kay world rated Jose Felix Jr. sa main event ng TOP Rank card sa Burbank, California.
May rekord ngayon si Saguilan na 37-5-1 win-loss-draw na may 13 pagwawagi sa knockouts samantalang si Doronio ay may kartadang 15-12-3 win-loss-draw na may 10 panalo sa knockouts. (Gilbert Espeña)