Ni JIMI C. ESCALA

Jake arciDAHIL sa Pasion de Amor ay nabuo ang barkadahan ng lead actors na sina Jake Cuenca, Ejay Falcon at Joseph Marco. Sa finale/thanksgiving presscon, talaga namang kapansin-pansin ang kakulitan ng tatlo.

Tawanan ang lahat ng dumalo sa mga tanong sa kanila tungkol sa love scenes na parang “wa’ epek” naman daw sa leading ladies nilang sina Coleen Garcia, Arci Muñoz at Ellen Adarna na tipong “pa-virgin epek” pa rin daw, huh!

Nang may magtanong kung nagkaroon ba ng “sexual tension” habang ginagawa nila ang sangkaterbang love scenes sa Passion de Amor, umamin agad si Jake na kailangan daw iyon para mas epektibo ang ginagawa niyang intimate scenes. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ako, sa eksena namin ni Arci, kailangang para mag-work ang eksenang ‘yun, there has to be sexual tension. ‘Pag kaeksena ko si Arci, nabibighani ako sa kagandahan niya. May halong kaba ‘yun, may halong, wow, ‘eto na ‘yung oportunidad na mahahalikan ko ‘yung babaeng mahal ko sa istorya.

“So, para sa akin, ha, ako, every scene na ginagawa ko with her, nagpapasalamat ako doing that scene with her, ganu’n ako kasuwerte na naka-partner ko si Arci,” sagot ni Jake. 

Ikinakambyo lang daw niya para makontrol ang naramdaman niya sa eksena. 

“Kumbaga, kambyo-kontrol, segunda, tersera,” napatawa ring sagot ni Jake. 

Hindi rin ipinagkaila ni Jake na may mga pagkakataon na nahihirapan siyang makontrol ang ganoong klaseng emosyon. May mga nangyayari raw na talagang naiiba ang mga eksena nila at mas nagiging sexy talaga.

“Minsan nga, eh, nakalimutan kong eksena pala ‘yun at hindi totoo. Kumbaga, doon parang naiiba ang kissing scene na ‘yun kaysa kissing scene ng ibang show,” dagdag pa ni Jake. 

Naitanong tuloy kay Arci kung naramdaman ba niya na tinototoo na ni Jake ang mga eksena nila.

“Eh, siguro kaya magandang lumabas ‘yung mga eksena namin kasi medyo nalalagyan naman ng konting katotohanan. Wala namang malisya. Pero bakit, guwapo naman si Cuencers (tawag niya kay Jake), may mga abs pa ‘yan,” napatawang sagot ni Arci. 

May attraction ba sa kanya si Jake Cuenca? 

“Well, guwapo naman si Cuencers at sobrang bait pero ano kami niyan, brothers. Pero malay mo naman, mahaba pa naman, isang buwan pa ang Pasion at saka malay mo, mayroon pa ulit kaming project ni Jake,” nakangiting lahad ng magandang aktres.

Sa February 26 na magtatapos ang Pasion de Amor at masaya ang cast dahil magtatapos ito na mataas ang ratings pero malungkot naman dahil mami-miss nila ang bawat isa. Almost one year silang magkakasama sa serye.