Lebron James
Lebron James

CLEVELAND (AP) – Tumapos si LeBron James na may 29 puntos habang nagdagdag sina Kevin Love at Kyrie Irving ng tig-21 puntos para sa Cleveland Cavaliers na nagwagi rin sa wakas sa isa sa mga itinuturing na NBA elite teams-ang San Antonio Spurs, 117-103.

Ang panalo ang ika apat na sunod ng Cavs sa ilalim ng bagong coach na si Tyronn Lue, na iniluklok sa puwesto matapos patalsikin si David Blatt noong Enero 22.

Bago ang laro ay 0-5 (panalo-talo) ang Cleveland kontra San Antonio gayundin sa Golden State at Chicago, ang itinutuirng na “ three top-tier teams” na inaasahang makakabangga nila ngayong taon para sa kampeonato.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Muling pinaspasan ni Lue ang laro ng Cavs kaya’t nahirapang sumabay ang Spurs na lumarong wala ang kanilang sentro na si Tim Duncan.

Ang nasabing laban ang ikatlong laro na hindi nakasama ng Spurs si Duncan dahil sa iniinda nitong pamamaga ng kanang tuhod.

Nagtala si Kawhi Leonard ng 24 na puntos at nagdagdag naman si LaMarcus Aldridge ng 15 puntos para sa Spurs, na nakatikim ng ikalawa pa lamang nilang kabiguan sa loob ng 16 na laban matapos mabigo sa kamay ng Golden State Warriors noong Lunes.

Ang kabuuang output ng Cleveland na 117 puntos ang ikalawang pinakamalaking nakaplap na puntos ng kalaban kontra San Antonio.

Naiiwan ng 17 puntos sa halftime, naitala ng Spurs ang unang walong puntos ng third quarter ngunit nagsimula ding ipamalas ng Cleveland ang lalim ng kanilang bench nang makapukol ng 3-pointers sina Love at Matthew Dellavedova habang nanalasa naman si James sa shaded lane at nagposte sa nasabing yugto ng 16 na puntos para maitaas ang kalamangan ng Cavs sa 88-69.

Wala sina Duncan at Aldridge na maagang naupo matapos tawagan ng tatlong personal fouls sa first quarter, walang makapigil sa Cavs sa kanilang pananalasa sa loob at nagawa nila ang lahat ng kanilang gustong gawin.

Ito naman ang gustong mangyari ng kanilang mentor na si Lue, isang team na siyang nagdidikta ng tempo ng laro at umaatake sa basket anumang oras na may tsansa.

“It makes it more fun to play,” pahayag ni Lue.