Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi nila pangingibabawan ang Commission on Higher Education (CHEd) dahil sa implementasyon ng Kto12.

Sa pulong balitaan, binigyang-diin ni DepEd Asec. Jesus Mateo na kontrolado pa rin ng CHEd ang mga higher education institution (HEI) na magpapatupad ng Kto12.

Aniya, tanging mga propesor na permanenteng magtuturo sa Kto12 ang saklaw ng DepEd.

Nauna rito, inihayag ni Mateo na marami nang HEI ang nagbukas ng Senior High School, na mga propesor ang magtuturo sa apat na tracks o strand ng programa. - Mac Cabreros
Tsika at Intriga

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'