Ginapi ng PATTS College of Aeronautics ang National College of Business and Arts,74-59, upang makamit ang ikalawang semifinals slot sa pagpapatuloy ng 8th Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) men’s basketball tournament sa Marikina Sports Complex.

Nagtala sina Arvee Capinding at John Paul Manansala ng 14 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod upang pamunuan ang Sea Horses sa pagtatapos sa elimination round na may 6 na panalo kontra isang talo.

“We had a strong start, and stayed focused after that,” ani PATTS coach Renzie Aranzaso.

Sinamahan ng PATS ang nauna nang semifinalist Colegio de San Lorenzo Griffins na gaya nila ay nagtamo din ng bentaheng twice-to-beat sa semis matapos talunin ang Philippine State College of Aeronautics Iron Egales, 68-53 para makumpleto ang 7-game sweep ng eliminations.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Wildcats sa barahang 4-3, panalo-talo para sa ika-apat na puwesto kung saan makakaharap nila ang Asian Institute of Maritime Studies sa isang knockout quarterfinal match sa Lunes ganap na 2:30 ng hapon.

Magtutuos naman naman ang third-ranked St. Francis of Assissi College at ang Lyceum of Alabang sa isa pang laro ganap na 1:00 ng hapon.