Nananawagan ang Philippine Embassy sa Beirut sa mga kaanak o kaibigan ng isang undocumented overseas Filipino worker (OFW) na nakaratay ngayon sa isang pagamutan sa Lebanon at naghihintay na makauwi sa Pilipinas.

Nananatili sa pangangalaga ng Baabda Governmental Hospital si Gng. Gilda Helen Cunanan Espeleta, 61, huling nanirahan sa Catleya St., Green Park Subdivision, KM 18, Alabang, Muntinlupa City, at asawa ni Eduardo Oreta.

Umaapela ang embahada sa mga kaanak, kaibigan o sino mang nakakakilala kay Oreta na makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs, Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), sa 2330 Roxas Boulevard, Pasay City, telepono - (02) 834-4996/(02) 834-3440, o mag-email sa [email protected]. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter