Sisikad sa Pebrero 7 ang “Padyak Para sa Kalikasan” na inoorganisa ng Philippine Collegiate Cycling Incorporated para sa mga batang siklista na nag-aaral sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad sa tinaguriang “Bike Friendly City” ng San Isidro sa Gapan, Nueva Ecija.

Sinabi ni PCCI president Mike Tampengco sa pagdalo nito sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s, Malate na bukas para sa lahat ng kabataang siklista na kasalukuyang naka-enroll ang karera.

Nakatuon din aniya ang karera sa paghahanap ng mga posibleng maging miyembro ng samahan na isasabak sa mga internasyonal na torneo.

“We expect the event, which aims to create the National Collegiate Cycling, to be the final competition for all our aspiring cyclists to become a member of the Philippine Collegiate Cycling Team that will have the chance to compete and represent the country in the World University Cycling Championship,” sabi ni Tampengco.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Walong kategorya ang paglalabanan sa cycling event na (1) Open Team Competition (2) Executives, (3) Masters, (4) Amateur, (5) MTB, (6) Women, (7). National Collegiate Cycling at ang (8) FUN BIKE na para sa lahat.

Ang World University Cycling Championship ay isasagawa naman sa Tagaytay City sa Marso 16-29.

Ilan sa mga nauna ng nagpatala para sumali sa karera ay ang Ateneo Bike Club, University of the Philippines (UP), Phil. Christian College , De La Salle Bike Club, Baguio Cycling team at ang Lyceum.

Iuuwi ng mga magwawagi o ng top 3 finishers ng bawat kategorya ang magandang tropeo sa karera na isasagawa kasabay ng selebrasyon ng kaarawan ni Tampengco. (ANGIE OREDO)