RAMOS, Tarlac - Dahil madalas umanong awayin ng kanyang misis, isang lalaki ang nagbigti sa Purok RC sa Barangay Guiteb, Ramos, Tarlac.

Ayon sa ulat sa pulisya ng mga opisyal ng barangay, natagpuang wala nang buhay si Benjie Pangilinan, Sr., 39, sa rest house na pag-aari ni Rufino Bautista sa Bgy. Guiteb.

Dakong 9:45 ng umaga nang nagtungo si Pangilinan sa bahay ni Bautista, kasama ang anak na babae, at inihayag ang planong pagpapakamatay, na pinigilan ng dalawa.

Napag-alaman na naisip ni Pangilinan na magpatiwakal dahil madalas umano itong awayin at pagbungangaan ng asawa. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog