Maaaring ang 112-anyos na Israeli Holocaust survivor ang pinakamatandang lalaki sa mundo, ayon sa Guinness World Records, kapag nakapagprisinta siya ng mga dokumento para patunayan ito.

Ayon sa kanyang pamilya, si Yisrael Kristal ay isinilang sa Poland noong Setyembre 15, 1903, tatlong buwan bago pinalipad ng magkapatid na Wright ang unang eroplano sa mundo.

Kinumpirma ni Robert Young, senior consultant for gerontology ng Guinness World Records, na kapag napatunayan, si Kristal ang kikilalaning pinakamatandang lalaki sa kasaysayan. - AFP
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo