Itinalaga ni Pangulong Aquino ang kanyang malapit na kaibigan, si Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa, bilang bagong Associate Justice ng Supreme Court (SC).

Si Caguioa, itinaas mula sa pagiging chief legal counsel ng Pangulo at itinalagang pinuno ng Department of Justice noong Oktubre, ay uupo sa binakanteng puwesto ni Associate Justice Martin Villarama Jr. Siya ang ikaanim na appointee ni Aquino sa Supreme Court.

“Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. has transmitted the appointment letter dated 22 January 2016 to Chief Justice Maria Lourdes Sereno,” pahayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr.

Sina Aquino at Caguioa ay magkaklase sa Ateneo de Manila University. Nagtapos si Caguioa ng Economics sa Ateneo de Manila University noong 1981 at Law noong 1985. (Genalyn Kabiling)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador