Ni Marivic Awitan

mark john lexer galedo
mark john lexer galedo
Hindi kasali ang 2014 champion at last year runner-up na si Mark John Lexer Galedo sa 2016 Le Tour de Filipinas dahil naka-focus ito sa paghahanda sa itinuturing na pinakamalaking karera sa Asia-ang Le Tour de Langkawi.

Nagdesisyon mismo si Galedo at ang pamunuan ng kinaaanibang koponan ni Galedo na Seven Eleven by Roadbike Philippines, ang nag-iisang continental team ng bansa na mag-concentrate na lamang ito sa pinaka-importanteng karera na magaganap sa Pebrero 24-Marso 2 sa Malaysia.

Naniniwala si Galedo at ang mga opisyales ng 7-Eleven na kailangang magpakita ng magandang performance ang Pilipinas sa nakatakda nitong pagbabalik sa “UCI Hors Category “ LTdL na halos kasunod lamang ng LTdF na gaganapin naman sa Pebrero 18-21, matapos ang sampung taon ng hindi pagsali sa nasabing karera.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Disyembre pa lamang ay kinumpirma na ng 7-Eleven ang imbitasyon sa kanila galing sa organizers ng LTdL at doon pa lamang ay nagsimula na silang magplano, ayon kay Galedo dahil target nilang magtala ang kanilang koponan ng “podium finish” sa “Malaysian race” at ang makamit ang Asian Team championship.

Si Galedo ang kasalukuyang pangunahing rider ng bansa matapos makakuha ng mahigit 70 UCI points noong 2015.

Nagsimula na ng paghahanda ang koponan ni Galedo para sa dalawang karerang kanilang sasabakan.

Kasalukuyan silang nasa Baguio para sa kanilang “altitude training”.

Sanhi ng pangyayaring ito, maiiwan sa 25-anyos na si Felipe Marcelo, 5-time podium finisher noong nakaraang taon sa Tour of Borneo, Tour de Singakarak at Jelajah Malaysia at 2012 champion Baler Ravina ang pamumuno sa kanilang koponan na sasabak sa Le Tour de Filipinas na rito ay makakasama nila ang dating youth champion na si Jay Lampawog, Spanish rider na si Edgar Nohales Nieto (Spain) at Australian Jessie Ewart.