Itinalaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III si Isabel Dasalla-Agito, abogado at certified public accountant, bilang bagong commissioner ng Commission on Audit (CoA).

Magsisilbi si Agito ng isang termino sa state audit agency hanggang sa Pebrero 2, 2018, kapalit ni Heidi Mendoza na kamakailan ay itinalagang pinuno ng United Nations’ internal oversight body.

Si Agito ay nagsilbing senior external auditor for the United Nations Board of Auditors at naging resident auditor sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. (Genalyn Kabiling)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'