Umusad ang Fil-Spanish na si Diego Garcia Dalisay habang dalawa ang agad na napatalsik sa apat na Filipinong netter na naghahangad makatuntong sa main draw, sa isinasagawang qualifying event ng ATP Challenger Tour Philippine Open sa bagong gawang Rizal Memorial Tennis Center.

Tinalo ng 16-anyos na si Dalisay, anak ng isang OFW sa Spain at kumakatawan sa Pilipinas sa torneo, ang kapwa Pinoy wild card entry na si Fritz Chris Verdad, 6-3, 6-2, upang umusad sa ikalawang round ng labanan para sa isa sa apat na pinaglalabanang slots sa main draw ng torneo na magsisimula sa Enero 18 hanggang 23.

Kinailangan ni Dalisay, na ang ina ay tubong Bataan, ng isang oras at 7.40 minuto upang patalsikin si Verdad sa 32 kataong singles event.

“He is still young and needs more tournament para masanay sa mga krusyal na labanan,” ayon sa coach ni Dalisay na si dating national mentor Roland Kraut. “Nakakuha siya ng ATP points noong maglaro siya sa PCA Open kaya gusto niya ituluy-tuloy na and someday maging member siya sa national team,” sabi pa nito.

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

Sunod na makakasagupa ni Dalisay si Nikola Mentic ng Croatia na nagwagi naman kay Stefano Napolitano ng Italy sa iskor na 2-6, 6-3 at 6-4.

Nakasama naman ni Verdad ang kababayan at 22-anyos na si Leander Lazaro na nabigo sa pinakaunang laro ng torneo kontra sa 26-anyos na si Ruan Roelofse ng South Africa sa loob lamangng 47 minuto at 43 segundo sa iskor na 1-6, 2-6.

(Angie Oredo)