SAO PAULO (AP) — Tumagas ang nakalalasong gas mula sa mga tangke sa isang pribadong cargo warehouse sa Brazilian coastal city ng Guaruja, na nagresulta sa pagkaospital ng 40 katao.

Sinabi ng Guaruja fire department na napasok ng ulan ang container na kinalalagyan ng mga tangke ng sodium chloride isocyanate, at nagdulot ito ng chemical reaction na nagpakawala ng malaki at puting ulap sa kalangitan.

Pinayuhan ni Guaruja Mayor Maria de Antonieta de Brito ang mga tao na manatili sa bahay dahil ang gas ay maaaring magdulot ng skin irritation, burning sensation, pagkahimatay at problema sa paghinga.

Ayon sa Sao Paulo Port Authority, sumiklab ang apoy matapos magsimulang kumalat ang tagas sa 12 iba pang container na naglalaman ng kemikal sa terminal. Kaagad namang naapula ang apoy.
Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito