IKINAGULAT ng lahat ang pagbabalik ni Claudia (Angelica Panganiban) nang bigla siyang humagulgol at umeksena sa kasalan ng asawang si Eduardo at ni Amor nitong nakaraang Martes.

 

Naantala ang kasal nang biglang himatayin si Nanay Belen (Amy Austria) sa ipahiwatig ni Claudia na wala siyang natatandaan sa kanyang nakaraan at kunwari’y hindi nakilala ang mga anak na sina Angelo (Daniel Padilla) at Lia (Andrea Brillantes).

Inabangan ng televiewers nationwide ang pagbabalik ni Claudia kaya pumalo ang episode ng national TV rating na 34.9%, doble sa nakuha ng kalabang programa sa GMA na Because of You (17.2%), ayon sa data ng Kantar Media.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

 

Sa muling pagpasok ni Claudia sa buhay ng kanyang pamilya, determinado siyang bawiin ang kanyang pamilya sino man ang masaktan. Ano na nga kaya ang kahahantungan ng relasyon nina Eduardo at Amor? Anu-ano pa nga ang kayang gawin ni Claudia para mapaniwala lang ang lahat sa kanyang kondisyon?

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.