NEW YORK (AP) - Nagposte ng double-double 25 puntos at 11 rebound si La Marcus Aldridge upang tulungan ang San Antonio Spurs na palawigin ang nasimulan nilang winning streak na umabot na sa walong sunod, matapos ang 106-79 na pagdurog sa Brooklyn Nets.

Isang araw matapos nilang magpalit ng coach nang sibakin si dating headcoach Lionel Hollins, bumagsak ang Nets sa kanilang ika-10 sunod na home game.

“We ran into a sledgehammer of a team,” pahayag ng kanilang interim coach na si Tony Brown “They definitely know how to play together and that’s something we’re going to strive and try to do here.”

Nagdagdag naman ng 17 puntos si Kawhi Leonard para sa Spurs na itataya ang kanilang 31-game home winning streak sa Huwebes kontra Cleveland, kasunod ng kanilang laban sa Detroit.

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

Lamang ang Spurs (33-6) ng pito sa halftime bago tuluyang nagdomina sa second half, na halos dinuplika lamang ang itinala nilang 102-75 panalo kontra sa Nets noong Oktubre 30.

Ang kanilang dalawang panalo kontra Nets ngayong season ay kabilang sa kanilang naitalang 14 na panalo na nakalamang sila ng 20 puntos o higit pa.

Nanguna para sa Nets, na hindi pa nananalo sa home games ng mahigit isang buwan na ang nakakalipas, si Brook Lopez na umiskor ng 18 puntos kasunod si Joe Johnson na may 16 na puntos.

Ginawang starters ni Brown ang mga guards na sina Wayne Ellington at Donald Sloan ngunit nagtala lamang ang dalawa ng kabuuang 10 puntos buhat sa kanilang ipinosteng 4-of-12 shooting sa field.

Dahil dito ay bumagsak ang Nets sa record na 10-28,panalo-talo, ilang oras matapos ang ginawang pagbalasa ng team owner na si Mikhail Prokhorov sa koponan.

“You’ve got to give them a lot of credit first. They’re a great, arguably the best team in this league, but you have to stay poised, you have to stick to your game plan,” ani Johnson.

“We had to do a great job for 48 minutes and obviously in the third quarter they opened it up.”