LEMERY, Batangas - Kapwa namatay ang dalawang menor de edad na magkaangkas sa motorsiklo matapos umanong sumalpok ang sinasakyan nila sa isa pang motorsiklo sa Lemery, Batangas.

Binawian ng buhay ang driver na si John Herald Kalapati, 17; at ang angkas niyang si John Rommel Arellano, 15 anyos.

Sugatan naman ang driver ng nakabanggaang motorsiklo na si Numeriano Eguia, 49; at ang angkas nitong si Geraldine Gimapac, 36 anyos.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Mark Gil Ortiz, dakong 4:45 ng hapon noong Enero 11, binabagtas ng mga biktima ang kalsadang sakop ng Barangay Cahilan II nang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog