Ni NITZ MIRALLES

SA Huwebes na ang libing ni German Moreno sa Loyola Marikina, manggagaling ang labi niya sa GMA Network kung saan buong Miyerkules ng gabi siyang ilalagak. Pagbibigay-pugay ito ng network kay Kuya Germs na hanggang sa huling sandali ay naging loyal sa GMA-7.

Bukas ng gabi ay gabi ng Sampaguita at inimbita ng pamilya ng mga Vera-Perez na mahal na mahal ni Kuya Germs ang mga taga-showbiz para sa last send off kay Master Showman.

Usap-usapan sa burol ang mangyayari sa Walang Tulugan at sa Walk of Fame na every December ay nagaganap sa Eastwood.

Pelikula

2 aktres na bet makaeksena ni Marian, pinangalanan: 'Sila ang kontrabida'

Ang nadinig namin, buong January ay may Walang Tulugan pa dahil sa Friday, January 15, ay magte-taping pa ng three episodes. Ang hindi pa matiyak ay kung may Walang Tulugan pa sa February at sa mga susunod na buwan. Mag-uusap pa raw ang pamilya ni Kuya Germs at ang pamunuan ng GMA-7 tungkol dito.

Ang narinig naming suggestion, ipagpatuloy ang Walang Tulugan. Ang problema, sino ang sasagot sa talent fee ng napakaraming bata na kinupkop at tinutulungang i-build up ni Kuya Germs? Sa sarili niyang bulsa nanggagaling ang talent fee ng mga bata.

Ang isa pang narinig naming suggestion, i-absorb ng GMA Artist Center ang ibang talents sa Walang Tulugan, magkaroon ng audition para mapili ang talagang may talent at saka papirmahin ng kontrata.

Tungkol sa Walk of Fame, sana raw ipagpatulloy ng Eastwood ang nasimulan na ni Kuya Germs at tutulong ang pamilya ni Master Showman sa pagpili ng bibigyan ng Walk of Fame.