Djkovic
Djkovic
DOHA,Qatar (Reuters) – Muli na namang nakauna sa kanilang mahabang rivalry ni Rafael Nadal si Novak Djokovic nang talunin ng world number one ang Spaniard sa kampeonato ng Qatar Open noong Sabado.

Nakapasok sa kanyang ika16 na sunod na finals, kinailangan lamang ng Serbian netter ng mahigit isang oras para gapiin si Nadal, 6-1 6-2 para sa kanyang ika-24 na pangkalahatang career victories kontra kay Nadal, kumpara sa 23 lamang ng dating world no.1 tennis player.

Dinomina ni Djokovic ang nakaraang 2015 matapos manalo ng tatlo sa apat na grand slams,at handa na muli para sa nakatakdang pagsabak sa darating na Australian Open ngayong buwan.

Ang rivalry nila ni Nadal ang itinuturing na ‘most prolific rivalry’,kung pagbabasehan ang dami ng kanilang pagtatagpo sa professional era ng men’s tennis , ngunit sa mga pinakahuli nilang paghaharap ay nakakaungos na si Djokovic.

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

Katunayan ay naipanalo nito ang siyam sa kanilang huling sampung paghaharap ni Nadal.

Ang naging one-sided affair na laro ay nagbigay kay Djokovic ng kanyang 60th career ATP title,at naging isa sa 10 players na nakagawa ng nasabing record.

Ang kasalukuyang World no.5 na si Nadal, na lumaro sa kanyang 99th finals ay natalo nalasap ang kanyang ika-11 sunod na sets na kabiguan sa kamay ni Djokovic mula noong 2014 French Open final.

“I played pretty much perfect tennis today. From the very beginning I managed to get every shot the way I wanted,” pahayag ni Djokovic.

“The way I played today gives me great satisfaction.”

Tatangkain ni Djokovic na mapanatili ang Australian Open crown sa Melbourne kung saan siya nagwagi ng kalahati sa kanyang napanalunang 10 major titles.