GENERAL SANTOS CITY — Patay ang isang lalaki na umano’y nagtutulak ng droga makaraang manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa General Santos City, South Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Police Supt. Maximo Sebastian, ng Regional Special Intelligence Division Team (RSIDT)-12, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa lugar ng suspek na si Sammy Batua, 47, sa Park Saludin, Barangay Labangal, General Santos City.

Matapos tanggapin ni Batua ang P500 marked money kapalit ng isang sachet ng shabu, tinangkang arestuhin ng mga pulis ang suspek ngunit kaagad itong nagpaputok. Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakuha sa pagsalakay ang 11 iba’t ibang uri ng baril, limang sachet ng pinaniniwalaang shabu, at drug paraphernalia.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Fer Taboy)