KALIBO, Aklan — Pinuri ng tanggapan ng Kalibo PNP ang isang pulis na nagsauli ng nakitang P10,000 cash sa parking area ng isang pribadong klinika kamakailan.

Pinangalanan ni Chief Inspector Al Loren Bigay, hepe ng Kalibo Police, ang huwarang pulis na si PO1 Rodgie Delos Santos.

Ayon kay Bigay, naka-off duty si Delos Santos nang dalhin ang kanyang anak sa MMG Medical Clinic sa Kalibo para ipagamot.

Nakita ng pulis ang isang wallet na may lamang cash at agad niya itong ibinigay sa Kalibo Police Station para matawagan ng pansin ang may-ari ng wallet.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kaagad namang naibalik ang wallet na pagmamay-ari ng isang babaeng negosyante sa Kalibo. (Jun N. Aguirre)