Iniulat ng Department of Health (DoH) na isang batang lalaki na naputukan ng piccolo sa pagsalubong ng Bagong Taon, ang namatay dahil sa tetano.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Health Secretary Janette Garin na ang 12-anyos na biktima ay mula sa San Pedro, Laguna.

Hindi kaagad dinala sa pagamutan ang bata dahil maliit lamang ang sugat nito. Subalit nooong Enero 4, nakaramdam ito ng paninigas ng kalamnan at nagkaroon ng mataas na lagnat kayat dinala na ito sa ospital. Namatay ang bata kinabukasan, Enero 5. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser