Magiging available na sa merkado ang bakuna kontra dengue sa susunod na linggo, ayon sa Department of Health (DoH).

Sinabi ni Health Secretary Janette Garin na naglaan ang gobyerno ng P3 bilyon sa 2016 budget para sa bakuna sa dengue, na maaari lamang ibigay sa mga nasa edad 9-45.

“We don’t recommend it [above 45 years old] because there would be other interactions. You would’ve been exposed to many diseases. The safety has not been established that well if you inject it above 45 years old... That is why we want to play on the safe side,” aniya.

Kaugnay nito, sinabi ni Garin na inaprubahan na ni PNoy ang pagbibigay ng libreng dengue vaccine sa mahihirap na mag-aaral sa mga paaralan ng gobyerno na may mataas na kaso ng dengue. Inaasahang makikinabang dito ang mga batang nasa Grade 4 at Grade 5 o may edad 9-10 taong gulang, na madalas mabiktima ng dengue. (Mary Ann Santiago)

Matapos i-regular ang sarili sa 'It's Showtime:' Rufa Mae Quinto, ayaw na raw umuwi