GERONA, Tarlac - Aabot sa mahigit 4.4 ektarya ng sugar cane plantation ang nasunog at pinaniniwalaang sinilaban ng mga hindi nakilalang arsonista sa Hacienda Bantog sa Barangay Caturay, Gerona, Tarlac.

Ini-report sa pulisya ni Ernesto Agustin, 53, agricultural farm technician at residente ng Bgy. Dapdap, Paniqui, na isang ektarya ng tubuhan ang nasunog sa silangang bahagi ng hacienda.

Kasunod nito, sinilaban naman ang 3.4 ektaryang tubuhan sa katimugan ng Bgy. Plastado sa Gerona, Tarlac na tinatayang aabot sa malaking halaga. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog