Nilinaw ni eight-division world champion Manny Pacquiao na magreretiro na siya matapos hamunin si WBO welterweight champion Timothy Bradley sa kanilang ikatlong engkuwentro sa Abril 9 sa Las Vegas, Nevada.

Kung magwawagi laban kay Bradley, magreretiro siyang world champion tulad ng karibal sa kasikatan na si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., at aasikasuhin na lamang ang serbisyo publiko kung magwawagi bilang senador sa halalan sa Mayo 2016.

“My April 9 fight against Timothy Bradley will be my last. I’m retiring from boxing to focus on my new job,” sabi ni Pacquiao sa Philboxing.com.

Kumpiyansa rin ang Pambansang Kamao na mananalo siya bilang senador base sa ng mga resulta ng survey ng Pulse Asia at Social Weather Station.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“Consistent ‘yong ranking natin sa surveys. Among the top 10, palagi tayong nasa No. 7 or No. 8. I expect na aakyat pa ang ranking natin lalo na ‘pag naikot natin ang buong bansa,” paglilinaw ni Pacquiao na babalik lamang siya sa ring kung muling haharapin ni Mayweather.

“Wala akong sinabing ganun. Wala namang nag-interview sa ’kin tungkol diyan. Pagkatapos ng laban ko sa April 9, magreretiro na ako sa boxing,” diin ni Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, bata pa siya ay lagi na siyang nag-eehersisyo kaya bata pa ang pakiramdam niya sa kanyang katawan.

“I’m still young and I feel strong. We will train hard for this fight so we can handle whatever our opponent may bring to the table,” ani Pacquiao na nagsimula na sa pagtakbo tuwing umaga. “Ilang ikot lang. Pagkatapos nun, I did some sprints. Then, I played basketball. It’s my way of keeping myself in good shape to maintain my speed and stamina.”

Sa dalawang laban sa Las Vegas, Nevada, tinalo ni Bradley sa unang engkuwentro si Pacquiao sa kontrobersiyal na 12-round split decision noong Hunyo 9, 2012 kaya naagawan ang Pinoy boxer ng WBO welterweight title.

Pero nakaresbak si Pacquiao sa kanilang rematch nang talunin niya si Bardley sa 12-round unanimous decision noong Abril 12, 2014 kaya nabawi ang WBO 147 pounds belt.

Sa huling laban ni Pacquiao, naagaw ni Mayweather ang WBO belt na kaagad binitiwan ng Amerikano kaya nakuha ito ni Bradley nang talunin sa 12-round unanimous decision si dating WBA at IBO light welterweight champion Jessie Vargas ng United States.

May rekord si Pacquiao na 57-6-2 ,win-loss-draw, na may 38 pagwawagi sa knockouts samantalang may kartada si Bradley na 33-1-1 win-loss-draw na may 13 panalo sa knockouts.