BEIJING (AP) — Nasunog ang isang bus sa hilaga ng China noong Martes na ikinamatay ng 14 katao, sinabi ng fire spokeswoman.

Nangyari ang insidente sa Yinchuan, ang kabisera ng Ningxia region, dakong 7 a.m., at iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, sinabi ng isang press officer sa Ningxia fire department, na nagpakilala lamang sa epelyidong Wang.

Sinabi niya na naapula ng mga bombero ang sunog makalipas ang 10 minuto, at 14 katao ang namatay habang 32 iba pa ang nagtamo ng mga pinsala.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo