Nasolo ng San Beda College ang ika-apat na puwesto at pinalakas ang tsansa nilang umusad sa Final Four round matapos gapiin ang nakatunggaling Lyceum of the Philippines, 21-25, 27-25, 25-13, 25-18, kahapon sa pagpapatuloy ang aksiyon sa NCAA Season 91 volleyball tournament men’s division sa San Juan Arena.

Nagposte ng 21 puntos na kinabibilangan ng 17 hits at tig-2 blocks at aces si Mark Christian Enciso upang pangunahan ang nasabing panalo ng Red Lions, ang kanilang ikalima sa loob ng walong laro habang nagdagdag naman ng 18 puntos si Alfie Mascarinas at 11 puntos naman si Gerald Zabala.

Para naman sa natalong Pirates na bumasagsak sa kabaligtarang barahang 2-5, panalo-talo, nanguna si Joeward Fresnede na nagtapos na may 15 puntos.

Dahil sa nasabing panalo, umagwat ang Pirates sa dating kasalong Arellano University Chiefs na naiwan ngayon sa ikalimang puwesto taglay ang barahang 4-3, panalo-talo.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Nauna rito, dinomina naman ng Lyceum Junior Pirates ang San Beda Red Cubs, 25-13, 25-16, 25-20 sa juniors division.

Pinangunahan ni Redido Benese ang nasabing panalo ng Junior Pirates sa kanyang itinalang 12 puntos na kinapapalooban ng 9 na hits at 2 aces kasunod si Ian Jasper Adriano na tumapos na may 11 puntos.

Nag-iisa namang tumapos na may double digit para sa Red Cubs si Mark Reniel Villamor na may naitalang 10 puntos.

(Marivic Awitan)