Isang premyadong koponan mula sa Japan ang susukat sa tibay at tatag ng sasaling lokal na club team sa bansa sa pagsambulat ng pinakaunang edisyon ng kinukunsiderang developmental league ng Philippine Super Liga (PSL) 2016 Invitationals na sisikad sa Pebrero 12.

Sinabi ni PSL president Ramon “Tats” Suzara na pagkakataon ng lahat ng mga player, na hindi kabilang sa regular na miyembrong club team sa liga, na ipakita ang kanilang husay at abilidad sa paghahanap ng kanilang sasalihang koponan para sa 2016 Invitationals na siyang pagbabasehan para naman sa isasagawa nitong drafting sa Mayo.

“All freelance players can play in the Invitational,” sabi ni Suzara. “Ito ang pagbabasehan para sa idadraft ng mga teams secretly. After one week of the, ilalabas ang name ng apat na unprotected players para naman doon sa mga expansion teams,” paliwanag pa nito.

Optimistiko naman ang liga na maraming bagong manlalaro ang madidiskubre at posibleng sumali sa PSL Invitational na naiiba ang format kumpara sa regular nitong komperensiya.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“Eliminations muna and then top four teams ang papasok sa susunod na round and they will be joined by a foreign team. Whoever makes it to the finals, be it the foreign team or a local team, the homegrown squad will be declared champion. Mas lalong maganda kung tatalunin ng mga local teams ang dayo for the crown,” sabi pa ni Suzara.

“Once we finalized the competing teams and the format, we will announce it formally before the actual tournament.

May mga Fil-Foreigners din na nag-aaply din ngayon, ang dami nila but these are just what we wanted. We try to innovate, every year, for the good of volleyball in the country,” sabi pa ni Suzara.

Ilan naman sa nagpahayag ng kanilang pagsali ang City of Malolos at ang Cavite Patriots habang ilang local government unit din ang nagpasabi ng kanilang partisipasyon. (ANGIE OREDO)